MAYROON bang exception sa requirement na napapaloob sa Philippine Overseas Employment Administration – Standard Employment Contract (POEA-SEC) na ang isang marino ay dapat sumailalalim sa post-employment medical examination na isasagawa ng company-designated physician sa loob ng tatlong working days pagkabalik sa Pilipinas?
Ang sagot ay OO. Ayon sa Section 20 (B) ng POEA-SEC, sa sitwasyon na ang marino ay “physically incapacitated” para sumailalim sa post-employment medical examination, ang tatlong araw na reporting requirement ay hindi masusunod. Subalit ang marino ay dapat mayroong “valid excuse” para hindi gamitin laban sa kanya ang requirement na ito.
Ang desisyon ng Supreme Court sa kasong Wallem Maritime Services, Inc. and Wallem Ship Management, Ltd. vs. NLRC and Elizabeth Inductivo, et. al. (318 SCRA 623, November 19, 1999) ay nagsalarawan ng exception sa three-day reporting requirement. Sa kasong ito, ang marino ay sumasakay sa barko bilang utility man sa bias ng sampung buwan na employment contract. Dalawang buwan bago matapos ang kanyang kontrata, pinauwisiya sa Philipinas at dumating ng mayroong malubhang karamdaman, Dalawang araw pagkadating niya sa Pilipinas, ang marino ay na ospital at nagpalipat lipat sa iba’t ibang ospital hanggang siya ay mamamaty tatlong buwan mula nang siya ay dumating sa Pilipinas. Ang manning agency ay ayaw panagutan ang death benefit claims ng asawa ng namatay na marino. Ang Labor Arbiter, ang NLRC, at ang Supreme Court ay lahat nagdesisyon na ang pagkamatay ng marino ay compensable, kahit na hindi nagawang magreport ng marino alinsunod sa mandatory three-day reporting requirement.
Ayon sa Supreme Court, ang three-day reporting requirement ay hindi absolute sapagkat mayroon itong exception., i.e., kung ang marino ay “physically incapacitated” para maisagawa ang atas ng kontrata. Sabi ng Supreme Court, hindi dapat asahan na ang isang marino, na may malubhang karamdaman at nangangailangan ng mabilisang medical attention, na makasunod pa sa atas na “post-employment medical examination” ng company-designated physician. Ang asawa ng marino ay hindi rin dapat asahan na magbiyahe mula Nueva Ecija papuntang Manila para masabihan ang kompanya sa kundisyon ng marino dahil ang primary concern niya ay alagaan ang kanyang asawang nasa bingit ng kamatayan.
Subalit sa isa naming kaso (Dionisio Musnit v. Sea Star Shipping Corporation and Sea Star Shipping Corporation Ltd., 607 SCRA 743, December 4, 2009), hindi ginamit ng Supreme Court ang kanyang desisyon sa naunang kaso ng Wallem at hindi umayon sa paghahabol ng disability benefits ng isang marino. Sinabi ng Supreme Court na ang hindi pagsunod sa three-day mandatory reportorial requirement sa Section 20 (B) ng POEA Standard Employment Contract, na ayon sa kanila ay sine qua non, o isang “indispensable condition,” ay isang legal na dahilan para hindi maibigay ang disability benefits. Sa kasong ito, hind nagtagumpay ang marino na magpakita ng ebidensiya na siya ay nagpunta sa manning agency at nagreport doon upang sabihin ang kanyang kalagayan sa loob ng tatlong araw pagkadating niya sa bansa. Hindi siya nagpakita sa opisyales o doktor ng kumpanya para sumailalim sa medical examination sa panahong sinasaad sa kontrata.
Source: Marino Patrol, Isyu ng Enero-Pebrero, 2012 – Page 15.
Atty. Dennis R. Gorecho obtained his B.S.Economics (Dean’s Medalist,1991) and Bachelor of Laws (1998) from the UP Diliman, admitted to the bar April 1999. He joined Sapalo Velez Bundang Bulilan (SVBB) law offices in 2001 and now Junior Partner who heads the seafarers’ division. Under his leadership, the SVBB actively champions seafarers’ rights through the holding of year-round, nationwide seminars to inform seafarers of their rights and legal measures to enforce them. He actively participated in the drafting of various legal documents pertaining to seafarers. He is part of the board of trustees for the Maritime Law Association of the Philippines (MARLAW), Maritime Forum, the National Seafarers Day (NSD) committee He is a legal commentator on maritime issues on print, radio and TV. A co-anchor of the radio program Bantay OCW Usapang Marino aired over Radio Inquirer every Wednesday 10:30am to 12noon.
Email: info@sapalovelez.com; drg@sapalovelez.com